Inihayag ng isang kongresista na “dead on arrival” sa House of Representatives ang unang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa ilalim ng Konstitusyon, ang Kamara ang may ekslusibong kapangyarihan na magsulong ng lahat ng kaso ng impeachment.

Binigyang-diin ni Lanao del Sur First District Rep. Zia Alonto Adiong, ang impeachment complaint laban kay Marcos ay mahina, hindi suportado ng credible evidence, at malabong umusad sa House of Representatives.

Inihain kahapon ni Atty. Andre de Jesus ang reklamo, kung saan inaakusahan niya si Marcos ng graft and corruption, culpable violation of the Constitution, at betrayal of public trust.

Sinabi ni Adiong, chair ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, ang mga akusasyon laban kay Marcos ay hindi na bago na nabigong maglahad ng mga bagong ebidensiya.

-- ADVERTISEMENT --

Ipinunto niya na ang impeachment ang pinakaseryosong constitutional power sa Kongreso at hindi dapat na ginagamit na armas sa pulitika.