Inihayag ni House good government and public accountability panel chair Joel Chua na sa ngayon ay wala pang grounds para ma-impeach si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. base sa reklamo na inihain ni Atty. Andre de Jesus.

Ang tinutukoy ni Chua ay ang impeachment complaint na inihain ni De Jesus na inindorso ni Pusong Pinoy Party-list Rep. Jett Nisay kaninang umaga.

Inaakusahan ang Pangulo sa reklamo ng graft and corruption, culpable violation of the Constitution, at betrayal of public trust kaugnay sa pag-aresto at pagpapakulong kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands noong March 2025, para harin ang kasong crimes against humanity na may kaugnayan sa drug war sa panahon ng kanyang administrasyon, kung saan marami ang namatay.

Tinukoy din ni De Jesus sa kanyang reklamo ang pag-aproba ni Marcos sa unprogrammed appropriations, alegasyon ng paggamit ng iligal na droga, at prinotektahan umano ang kanyang mga kaalyado sa imbestigasyon sa flood control projects.

Sinabi ni Chua na hindi iendorso ng Kamara ang anomang impeachment complaint maliban lamang kung nakatugon ito sa constitutional standards at suportado ito ng matitibay na ebidensiya.

-- ADVERTISEMENT --

Ipinaliwanag ni Chua na bagamat ang impeachment ay isang constitutional remedy, gagawin ng Kamara ang mandato nito para magsagawa ng ebalwasyon sa reklamo na inihain ni De Jesus para sa suffiency in form and substance, bilang bahagi ng due process.