Mananatili sa dating iskedyul na 10:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon, tuwing Lunes hanggang Miyerkules, ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Senador Erwin Tulfo, hindi inaprubahan ang mungkahing ilipat ang oras ng pagdinig sa 10:30 ng umaga hanggang 3:30 ng hapon na inihain ni Senador Migz Zubiri.

Iginiit naman ni Senador Panfilo Lacson na sapat ang kasalukuyang oras upang maisagawa ang presentasyon ng mga ebidensya at testimonya habang napapanatili ang maayos na daloy ng paglilitis.

Dagdag pa ni Lacson, makatutulong din ang kasalukuyang schedule upang maiwasan ang mas mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila.