Inimbitahan ang ina ni two-time Olympic gymnast Carlos Yulo na sumali sa Mrs. Philippines 2025 pageant.

Sinabi ito ni Erika Joy Santos, ang president ng organisasyon sa Mrs. Philippines press conference.

Kaugnay nito, sinabi ni Santos na wala siyang intensiyon na makialam sa kasalukuyang drama sa pamilya Yulo, subalit pinayuhan si Angelica na pahabain ang kanyang pasensiya at ipaubaya ang sitwasyon sa Diyos.

Sinabi niya na hindi habang panahon ay mananatili sa ating piling ang ating mga anak dahil sa magiging independent din ang mga ito, kaya payo niya maaga pa lang ay tanggapin na ito.

Ayon sa kanya, naranasan na rin niya ito nang umalis ang kanyang anak na lalaki at tumira sa Manila.

-- ADVERTISEMENT --