
Pumanaw na ang ina ni Ice Seguerra na si Mommy Caring kaninang umaga.
Ito ang sinabi ni Seguerra sa kanyang Facebook.
Sinabi ni Seguerra na kaninang 7:54 a.m. pumanaw ang kanyang ina.
Sa kanyang post, nagbigay-pugay si Seguerra sa kanyang ina.
Ice looked back on Caring’s “full and beautiful life,” and said that she was always there for him. Ice called her, “my first teacher, my constant cheerleader. My rock.”
Idinagdag pa ni Seguerra na matapang, mabait, masayahin, at lagi siyang nandiyan sa kanyang tabi.
Sinabi niya na: “Every show, every gig, every milestone, she was there. She was always present,”
Ayon sa kanya, pinapadalhan siya ng kanyang ina ng paborito niyang pagkain, minamasahe kung masakit ang kanyang ulo, at lagi niyang sinisigurado na lagi siyang nagpaparamdam kahit na may sarili na silang buhay.
Sinabi niya na sinuportahan siya ng kanyang ina hindi lamang sa career bilang isang artist, kundi bilang kanyang anak.
Ayon sa kanya, ang pagpanaw ng kanyang ina ay parang may nawalang bahagi din ng kanyang sarili.
Nangako siya sa kanyang ina na mananatili siyang matapang sa pagharap sa lahat ng hamon ng buhay, ang bagay na kanyang natutunan kay Caring.