TUGUEGARAO CITY- Bahagyang tumaas ang inflation rate sa Region 2 nitong buwan ng Pebrero ngayong taon.
Sinabi ni Engr. Girme Bayucan, chief statistical specialist ng Philippine Statistical Authority o PSA Region 2 na mula sa 1.7 percent na inflation noong buwan ng Enero ay tumaas ito sa 1.9 percent nitong Pebrero.
Ayon sa kanya, ang humila sa pagtaas ng inflation ay ang food and non- alcoholic beverages at sa transporation bunsod na rin ng pagtaas ng presyo ng langis.
Ipinaliwanag ni Bayucan na ang 60 percent ang contribution ng food basket sa inflation habang 35 percent naman mula sa transportasyon.
Sa inflation naman sa mga probinsiya, tumaas din ng bahagya sa Cagayan na mula 2 percent ay tumaas sa 2.3 percent, Isabela na .6 sa .9 percent, Quirino na 3.1 sa 3.5 percent habang bumaba naman sa Nueva Vizcaya na mula sa 3.4 sa 2.7 percent at sa Batanes ay walang paggalaw.