Tumaas ang inflation rate sa 3.9% nitong buwan ng Mayo bunsod ng pagtaas ng halaga ng transportasyon at electricity.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) chief Claire Dennis Mapa, ang 3.9% na inflation noong Mayo ay mas mataas sa 3.8% noong Abril ngayong taon.
Gayonman, mas mababa naman ito sa 6.1% inflation na naitala noong Mayo ng 2023.
Pasok din ang inflation sa forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 3.7% hanggang 4.5%.
Ayon kay Mapa, ang inflation sa housing, tubig, electricity, gas at iba pang fuels at bunsod ng mahinang pagbaba ng electricity prices at mas mabilis na pagtaas sa presyo ng liquefied petroleum gas.
Samantala, bumaba ang food inflation ng 6.1%, mula sa 6.3% inflation nitong nakalipas na buwan.
Sinabi ni Mapa na ito ay dahil sa pagbaba ng year-on-year increase sa index para sa mga gulay, tubers, plantains, cooking bananas at pulses na bumaba sa 2.7% noong May mula sa 4.3% noong April.