Umabot sa 4.1 porsiyento ang inflation noong Marso mula sa 2.4 porsiyento noong Pebrero, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Ito na ang pinakamataas na antas sa halos dalawang taon at lumampas sa target na 2% hanggang 4% ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Malaki ang naging ambag ng sektor ng transportasyon, na tumaas sa 9.9 porsiyento mula sa dating pagbaba.

Ito ay bunsod ng pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel na umakyat ng 27.3 porsiyento at 59.5 porsiyento.

Iniuugnay ang pagtaas ng inflation sa digmaan sa Gitnang Silangan, na nakaapekto sa daloy ng langis sa Strait of Hormuz at nagtulak sa pagtaas ng pandaigdigang presyo ng langis na lumagpas sa $100 kada bariles.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil umaasa ang Pilipinas sa halos 98 porsiyento ng inaangkat nitong langis mula sa naturang rehiyon, mas ramdam ng bansa ang epekto ng pagtaas ng presyo ng enerhiya.

Lumampas din ang aktuwal na inflation sa inaasahan ng mga ekonomista at forecast ng BSP para sa nasabing buwan.