Nakatakdang magsagawa ng information Caravan at palit pera drive ang Bangko Sentral ng Pilipinas- Tuguegarao branch sa Hunyo 28-29 sa isang mall sa lungsod kasabay ng pagdiriwang ng Aggao Nac Cagayan.

Sa panayam kay Atty Cristamarie Tabilas-Abiva, branch head ng ahensya, bahagi ng information caravan na maturuan ang publiko sa financial literacy o tamang pangangasiwa sa kanilang hawak na pera at manatili sa sirkulasyon ng ekonomiya ng bansa.

Kaugnay nito ay ang pagpapalit ng pera sa iba’t ibang mga denominasyon at maging ang mga lumang pera na sakop ng taon na hindi pa na-demonetized ay papalitan ng BSP ng bagong banknotes.

Sakali man aniya na ito ay nabaha o nasunog ay may ikukunsidera namang mga panuntunan ang BSP upang ito ay mapalitan.

Gayonman, nilinaw nito na ang mga banknotes na nagpaso na ang deadline mula pa 2017 ay hindi na rin maaaring palitan ng BSP.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod aniya rito ay magsasagawa rin sila ng Virtual Roleta Challenge kung saan maaaring manalo ang sinuman ng natatanging token sa pamamagitan ng mga commemorative coins na sa BSP lamang makukuha.