TUGUEGARAO CITY- Umabot sa P6.2 billion ang iniwang pinsala ng mga kalamidad sa Region 2 nitong nakalipas na taon.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Engr. Ferdinand Tumaliuan, assistant regional director ng National Economic Development Authority o NEDA Region 2 na ito ay batay sa isinagawang validation ng Office of the Civil Defense katuwang ang iba ahensiya ng pamahalaan sa mga pinsala sa sektor ng agrikultura at infrastructure.
Kaugnay nito, sinabi ni Tumaliuan na suportado ng NEDA ang mga plano at mga ginagawa ng mga proyekto para maibsan ang epekto ng mga kalamidad sa rehion.
Kabilang aniya dito ang Cagayan River Restoration Project na may layunin na mabawasan ang epekto ng mga pagbaha.
Ayon sa kanya, malaki ang inilalabas na pondo ng pamahalaan para sa pagsasaayos ng mga nasirang mga imprastraktura at pagbibigay sa mga ayuda sa mga naapektuhang mamamayan maging ang mga magsasaka.