TUGUEGARAO CITY-Umabot sa halos 40 milyong piso ang iniwang pinsala sa mga pananim na palay ng manalasa ang Bagyong “Ramon” sa lungsod ng Tabuk.

Sinabi ni City Agriculturist Julibert Aquino na nagsagawa ng ocular survey ang binuong Barangay Task Force kung saan nag-monitor ang mga ito sa posibleng pinsala ng bagyo.

Nasa 5 to 10 percent ang mga nasirang pananim na palay na malapit na umanong anihin batay sa datus na nakalap ng Office of the City Agricultural Services.

Ayon kay Aquino na pinakamalaking napinsala ang mga sakahan na malapit sa western Chico River particular sa Barangay Calanan, Lanna, Tuga, Masablang, New Tanglag, Cabaritan at Gobgob.

Sa inisyal na datus, nasa 412 farmers ang naapektuhan matapos na bahagyang pinadapa ng bagyo ang nasa 115 ektaryang pananim na palay habang 55 ektaryang palayan ang totally damaged dahil sa pagguho ng lupa.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Aquino na 6.5 metric tons ang target na anihin bago manalasa ang bagyo dahil nakaani na ang ibang mga rice farmers.

Isusumiti naman sa City Disaster Risk Reduction Management Council ang nakalap na datus para sa kaukulang ayuda na ipagkakaloob sa mga magsasaka. / with reports from Bombo Marvin Cangcang