TUGUEGARAO CITY-Bumaba ang mga insidenteng may kaugnayan sa illegal na droga sa buong Rehiyon Dos.

Ito ang inihayag ni Regional Director Emmerson Rosales ng Philippine Drug Enforcement Agency(PDEA)-Region 2 ,base sa kanilang monitoring kung saan bumaba na umano ang pagpasok ng illegal na droga sa Region 2.

Ayon kay Rosales, mula 2019, kung ihahalintulad sa mga nakalipas na taon, mabilis ang nangyayaring paglinis sa mga Barangay kontra illegal na droga kung kaya’t bumaba ang nangyayaring krimen.

Labis din ang pasasalamat ng PDEA sa mga opisyales ng mga Barangay sa kanilang kooperasyon na siyang unang pinagmumulan ng mga impormasyon.

Sakabila nito, patuloy pa rin ang monitoring ng PDEA sa buong Rehiyon para masawata ang illegal droga.

-- ADVERTISEMENT --