
Iniulat ng Philippine Navy (PN) na nakaranas ng “interference” sa kanilang communication at sensor systems habang nagpapatrolya sa West Philippine Sea (WPS), kabilang ang Bajo de Masinloc.
Ayon kay Rear Adm. Roy Vincent Trinidad, maaaring tumukoy ang “interference” sa jamming ng electronic o radio signals mula sa mga puwersa ng ibang bansa.
Sa pagtugon sa semi-permanenteng presensya ng Chinese maritime forces, sinabi niya na nag-shift ang AFP sa Comprehensive Archipelagic Defense Concept (CADC) noong 2024, na naglalayong magpatrolya sa lahat ng teritoryo ng bansa, kasama ang 200-nautical-mile exclusive economic zone.
Dagdag ni Trinidad, pinalakas at pinahusay ng militar ang kakayahan ng mga isla para suportahan ang AFP at protektahan ang lehitimong teritoryo ng bansa.










