Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ngayong araw na ipagbabawal na ang pag-inom ng alak sa mga kalye at sa mga pampublikong lugar sa buong bansa, at mahigpit na ipatutupad ang curfew sa mga menor de edad.

Sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na may umiiral na Anti-Public Intoxication Act, na nagbabawal ng pag-inom sa mga kalye, bawal na ang maglatag ng mga silya at mga lamesa sa mga kalye at mag-inuman.

Binigyang-diin ni Remulla na ang inuman sa mga pampublikong lugar ay pangunahing dahilan ng mga away sa mga kalsada at sexual harrassment.

Nagbabala si Remulla na huhuliin ang sinumang mahuhuli na mag-iinuman sa mga kalye.

Nilinaw naman niya na pinapayagan naman ang inuman sa loob ng mga bahay.

-- ADVERTISEMENT --

Pinayuhan din niya ang mga menor de edad na umuwi sa kanilang mga bahay sa oras na 10 p.m.

Sinabi ni Remulla na maaaring huliin ang mga lalabag sa kautusan sa ilalim ng pinaigting na curfew ordinances, na saklaw ang mga edad na wala pang 18 at hindi nag-aaral o walang trabaho.