Magsisimulang magpakawala ng tubig ang Ipo Dam alas-9 ng gabi ngayong Biyernes, Agosto 28, dahil sa patuloy na pagtaas ng water level dulot ng mga pag-ulan bunsod ng Habagat.

Ayon sa Office of Civil Defense, unang bubuksan ng 15 sentimetro ang Radial Gate A, na inaasahang magpapakawala ng 35 cubic meters ng tubig kada segundo.

Naabisuhan na ang mga lokal na pamahalaan sa mga lugar na posibleng maapektuhan, kabilang ang Arayat, Bustos, San Rafael, Baliwag, Plaridel, Pulilan, Calumpit, Paombong, Hagonoy, Malolos City at iba pang bahagi ng Bulacan.

Pinapayuhan ang mga residente, lalo na ang nasa mabababang lugar at mga flood-prone area, na manatiling alerto at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso.

-- ADVERTISEMENT --