Nanawagan ang BRICS sa pagpipigil at pag-iwas sa mga hakbang na maaaring magpalala sa patuloy na giyera sa Middle East.

Kabilang sa lumagda sa joint statement ang Iran at United Arab Emirates o UAE, na kapwa kabilang sa mga bansang may magkakaibang panig sa kasalukuyang tunggalian.

Nanawagan din ang grupo para sa proteksyon ng mga sibilyan, paggalang sa soberanya ng bawat bansa, at pagpapanatili ng seguridad sa pandaigdigang kalakalan, supply chains, enerhiya at maritime routes.

Sa sidelines ng BRICS Summit sa New Delhi, nagkita rin sina Iranian President Masoud Pezeshkian at Abu Dhabi Crown Prince Sheikh Khaled bin Mohamed bin Zayed Al Nahyan.

Tinalakay umano ng dalawang lider ang de-escalation, regional stability at mga hakbang para sa kapayapaan at kaunlaran sa Middle East.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi ni Chinese President Xi Jinping na dapat isulong ang political settlement at permanenteng ceasefire, habang nanindigan si Indian Prime Minister Narendra Modi na panahon nang gawing konkretong resulta ang pagkakaisa ng BRICS.