Lalo pang tumindi ang tensyon sa Gitnang Silangan matapos muling magpalitan ng pag-atake ang Iran at Estados Unidos, sa kabila ng umiiral na pansamantalang kasunduan para sa tigil-putukan.

Naglunsad ang Iran ng missile at drone attacks laban sa mga base militar ng Amerika sa Kuwait at Bahrain bilang tugon sa panibagong airstrikes ng US sa mga target ng Iran matapos ang pag-atake sa isang tanker sa Strait of Hormuz.

Nagbabala rin si US President Donald Trump na maaaring tuluyang wasakin ng Amerika ang pamunuan ng Iran kung hindi ito susunod sa kasunduang pangkapayapaan. Samantala, iginiit ng Iran na nilabag ng US ang tigil-putukan at nagbantang ihihinto ang lahat ng prosesong diplomatiko.

Kasabay nito, nagsagawa rin ng panibagong airstrike ang Israel laban sa mga pinaghihinalaang miyembro ng Hezbollah sa Lebanon, na lalo pang nagpapataas ng pangamba sa posibleng paglawak ng kaguluhan sa rehiyon.