Inihayag ng Iran sa mga miyembrong estado ng International Maritime Organization (IMO) na maaaring dumaan ang mga “non-hostile vessels” o hindi-kaaway na mga barko sa Strait of Hormuz kung makikipag-ugnayan muna sa mga awtoridad ng Iran, ayon sa Financial Times.

Dahil sa digmaan sa pagitan ng U.S. at Israel laban sa Iran ay halos huminto sa pagpadala ng humigit-kumulang isang-kalimang bahagi ng langis at liquefied natural gas ng mundo sa pamamagitan ng Strait of Hormuz, na nagdulot ng pagkaantala sa suplay ng langis.

Sa liham na ipinamigay sa mga miyembro ng IMO noong Martes, sinabi ng Foreign Ministry ng Tehran na ginawa na nila ang mga kailangang mga hakbang upang pigilan ang mga kalaban at kanilang mga tagasuporta mula sa paggamit ng Strait of Hormuz.

Idinagdag ng Tehran sa liham na ang mga barkong may kaugnayan sa U.S. at Israel, pati na rin ang iba pang mga bansa na itinuturing nilang aggressors ay hindi papayagan na dumaan sa strait