
Inihayag ni US President Donald Trump na sumang-ayon ang Iran sa halos lahat ng nakalista sa 15-point demands na ipinarating ng US sa pamamagitan ng Pakistan, para wakasan na ang giyera.
Subalit hindi agad tinanggap ng Tehran ang nasabing mga plano ng US nitong nakalipas na linggo at nagpahitwatig ng pagdududa sa posisyon ng Washington sa nasabing usapin.
Una rito, nagpulong sina Foreign Ministers Badr Abdelatty of Egypt, Prince Faisal bin Farhan Al Saud ng Saudi Arabia, Ishaq Dar ng Pakistan at Hakan Fidan ng Turkey kung saan tinalakay ang regional de-escalation, sa gitna ng US-Israel conflict sa Iran, in Islamabad, Pakistan kahapon.
Sinabi ni Foreign Minister Ishaq Dar ng Pakistan na naging produktibo ang nasabing pulong.
Samantala, sinabi ng Israeli military na magsasagawa sila ng strikes sa mga targets na pagmamay-ari ng Iranian regime sa Tehran, ang kabisera ng bansa.
Sinabi naman ng senior Iranian security official na ang kanilang bansa ang magsasabi kung kailan matatapos ang giyera, at nangako na handa ang kanilang bansa na mapanatili ang offensive operations para sa mas mahabang panahon.
Ang pahayag ng Iran ay nagbigay ng assessment mula sa US na magtatagal pa ng ilang linggo ang labanan.










