Inihayag ng foreign minister ng Iran na walang intension ang Tehran na ipagpatuloy ang kanilang strikes kung ititigil ng Israel ang kanilang mga pag-atake.
Sinabi ito ng Iran ilang oras na ianunsiyo ni US President Donald Trump ang staggered ceasefire para matapos ang giyera ng dalawang bansa.
Ayon sa Iran na itinigil na nila ang kanilang operasyon kaninang madaling araw at nais na magkaroon ng sabayang pagtigil din ng mga pag-atake mula sa Israel.
Sinabi ni Trump na ang ceasefire ay isang phased 24-hour process na nagsimula kaninang 4 a.m., kung saan itinigil ng Iran ang lahat ng kanilang operasyon.
Susunod naman ang Israel sa loob ng 12 oras.
Ayon kay Trump na nagkasundo ang Israel at Iran na magkakaroon ng “complete and total ceasefire.”
Sinabi niya na nagkasundo ang dalawang bansa na manatiling “peaceful and respectful” habang umiiral ang proseso ng ceasefire.
Idinagdag pa ni Trump na ang pagtigil ng giyera ng dalawang bansa ay isang malaking kaluwagan sa world leaders sa gitna ng kanilang pangamba na lalong titindi ang kaguluhan.
Subalit wala pang official comment mula sa Israel at hindi malinaw kung anong oras ipatutupad ang pagtigil ng kanilang mga pag-atake..
Sinabi ng Israel na may natukoy silang maraming missile launch mula sa Iran kaninang umaga, kung saan ang isa ay tumama sa residential building sa timog kung saan tatlo ang namatay.
Ayon naman sa Iranian state media, naglunsad ang Israel ng mga panibagong pag-atake nitong magdamag.
Tumulong ang Qatar sa negosasyon para sa ceasefire sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa Iran.
Ayon sa senior official ng White House, sumang-ayon ang Israel sa ceasefire deal sa kundisyon na itigil na ng Iran ang pag-atake sa kanilang bansa