
Inihayag ni Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi na wala sa plano ng Iran ang makipagnegosasyon sa Estados Unidos at balak nilang ipagpatuloy ang paglaban, matapos sabihing may isinasagawang usapan ang White House.
Binigyang-diin ni Araghchi na walang negosasyon na naganap, taliwas sa mga sinabi ni US President Donald Trump.
Idinagdag pa niya na maituturing na pag-amin ng pagkatalo ang sinabing negosasyon.
Noong Miyerkules, nagbanta ng White House ng mas matinding strikes sa Iran kung hindi ito makikipagnegosasyon para sa isang kasunduan para sa kapayapaan.
Sinabi ni US Press Secretary Karoline Leavitt na patuloy ang usapan at produktibo umano ito.
Sinabi rin ng mga opisyal ng Pakistan na naiparating ng Islamabad sa Tehran ang 15-point plan ng Amerika para itigil ang labanan na nagsimula noong Pebrero 28 kasunod ng mga atakeng US-Israeli sa Iran at kumalat sa rehiyon.
Ani Leavitt, may ilang bahagi ng ulat na totoosa sa 15-point proposal.
Subalit iginiit ni Araghchi, ang mga sinasabing dayalogo ay ipinasa sa pamamagitan ng mga kaibigang bansa o sa ilang indibidual, ngunit hindi nila ito itinuturing na negosasyon.
Sinabi rin ng foreign minister na bagamat maaaring makakuha ang Iran ng seguridad na ginagarantiyahan ng UN Security Council, lumikha ang Tehran ng sariling garantiya sa paraan ng kanilang pakikidigma.










