
Nagbabala ang Iranian Army laban sa mga bansang susunod sa sanctions o parusa ng Estados Unidos laban sa Iran.
Ayon kay Iranian Army Spokesperson Mohammad Akraminia, posibleng makaranas ng hirap sa pagdaan sa Strait of Hormuz ang mga barko mula sa mga bansang makikiisa sa sanctions ng Amerika.
Samantala, sinabi rin ng ilang mambabatas sa Iran na naghahanda sila ng panukalang batas para mas mapalakas ang kontrol ng bansa sa Strait of Hormuz.
Kabilang umano sa panukala ang posibilidad na pagbawalan ang pagdaan ng mga barko mula sa mga bansang itinuturing nilang “hostile states” o kalaban ng Iran.










