Nagpapatuloy ang search and rescue efforts ng mga awtoridad sa nawawalang sa nawawalang mangingisda sa Santa Ana, Cagayan.
Una rito, agad na tumugon ang Philippine Coast Guard (PCG) Station sa nasabing bayan sa distress incident na sangkot ang isang bangkang pangida na “JOBHENZ” na tumaob sa bisinidad ng katubigan ng Barangay San Vicente.
Labing tatlong mangingisda ang lulan ng nasabing bangka nang sumilong ito dahil sa banta ng Super Typhoon Nando.
Base sa initial investigation, habang naka-angkla ang bangka, binayo ito ng sunod-sunod at malalakas na hampas ng alon at malalakas na hangin na nagbunsod ng pagtagilid nito hanggang sa ito ay tuluyang tumaob.
Na-rescue ang anim na survivors sa nasabing insidente at dinala sila sa St. Anthony’s Hospital.
Isa naman ang namatay sa nasabing insidente.
Nag-deploy ang Coast Guard Station Santa Ana ng karagdang SAR Teams kabilang ang PCG Special Operation Group (SOG) Divers and Coast Guard Medical Team (CGMED) sa search and rescue operation sa siyam na nawawalang mangingisda.
Bukod dito, tumutulong na rin sa search and rescue efforts ang High-Speed Response Boat (HSRB)
at maraming rubber boats sa nasabing operasyon.