Dead on arrival ang isang 25 anyos na lalaki habang sugatan naman ang apat nitong kasama matapos makuryente habang naglilipat ng poste ng solar light sa Brgy.Ibulo, Baggao Cagayan.
Kinilala ni PCAPT. Jackelyn Urianm, deputy chief of police ng PNP Baggao ang namatay na si Maximo Ricarte Jr. habang ang mga sugatan ay sina Virgilio Cabaruan,43 anyos, Edison Caluttung, 54 anyos, Brando Ramos, 39 anyos, Maximo Ricarte Sr. 58 anyos, ama ng namatay.
Lumalabas sa imbestigasyon na ililipat sana ng limang trabahador ang nasabing poste matapos na makitaan ito ng problema na nakatapat isang live wire.
Nang iangat ang poste ay ay sumabit ito sa live wire na dahilan ng kanilang pagkakakuryente.
Tumilapon ang apat habang nangisay at nawalan ng malay si Ricarte Jr. hanggang sa bawian ng buhay.
Nagtamo naman ng mga sugat sa kanilang katawan ang apat.