Patay ang isang katao habang siyam ang nasugatan sa sunog sa pasilidad ng Pagbilao Energy Corporation kagabi.

Kinumpirma ng PEC ang sunog sa Unit 3 ng Pagbilao Power Station sa Ibabang Polo, na nangyari ng 9:00 p.m.

Sa pahayag ng PEC, ikinalungkot nila ang insidente na ikinamatay ng isa at siyam na personnel ang nasugatan.

Ayon sa PEC, ang kanilang prayoridad ngayon ay ang pagpapagamot sa mga nasugatan, at magbibigay sila ng suporta sa kanilang mga pamilya.

Kasabay nito, nagpasalamat ang PEC sa Bureau of Fire Protection, sa local government unit, mga opisyal ng lalawigan ng Quezon, at emergency response teams sa kanilang ginawa para matiyak ang kaligtasan ng mga residente na malapit sa lugar ng sunog.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa PEC, inilagay sa forced outage ang Pagbilao Unit 3.

Nakikipagtulungan din ang PEC sa isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.