Nagising muli ang isa sa pinaka-aktibong bulkan sa mundo, matapos na magbuga ng lava na may taas na 80 meters, ayon sa US volcanologists.
Ayon sa USGS Hawaiian Volcano Observatory, nagsimula ang eruption ng caldera ng Kilauea, ang Big Island ng Hawaii kahapon ng madaling araw sa southwestern section ng caldera.
Sinabi ng USGS, nagbubuga ng molten materials, kabilang ang lava bombs mula sa vents sa baba ng caldera pataas sa caldera rim.
Umaabot sa 6,000-8,000 feet above sea level ang taas ng ibinubugang plume ng volcanic gas at volcanic particles ng nasabing bulkan.
Ayon sa observatory, ang sulphur dioxide na lumalabas sa mga bitak ng bulkan ay nagdudulot ng reaction sa ibang gases sa hangin.
Makakaapekto sa mga tao, hayop, at mga halaman ang volcanig smog mula sa bulkan.
Aktibo ang Kilauea buhat noong 1983 at madalas ang eruption nito, kabilang ang pagsabog nitong buwan ng Setyembre.
Isa ito sa anim na aktibong bulkan na matatagpuan sa Hawaiian Islands, kabilang ang Mauna Loa, ang pinakamalaking bulkan sa mundo, bagamat mas aktibo ang Kilauea.