PNP PENABLANCA

Patuloy na pinaghahanap ng pulisya ang isa sa dalawang suspek na nakatakas matapos umanong magpaputok ng baril nitong gabi ng Biyernes Santo sa bayan ng Penablanca, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Joel Suyu, nasa tamang edad, tricycle driver at residente ng Sitio Caronsi, Brgy Patagueleg, Penablanca.

Nabatid na nakatanggap ng tawag ang pulisya dakong alas 8:00 ng gabi noong Biyernes kaugnay sa narinig na putok ng baril sa Brgy Patagueleg.

Mabilis namang nagresponde ang mga tauhan ng pulisya at nadatnan nila ang dalawang suspek ngunit pagdating nila sa lugar ay biglang nagpaputok ng baril at tumakas ang suspek na si Joel nang nagpakilala ang mga rumespondeng pulis.

Nahuli naman ang kasamahan nito na kinilalang si Agustin Suyu Balisi Jr, 38-anyos, walang asawa, icecream vendor at residente ng Brgy Linao East, Tuguegarao City.

-- ADVERTISEMENT --

Narekober sa kanya ang isang 9mm Beretta pistol na may kasamang magazine na kargado ng limang bala at isa pang dagdag na magazine na puno ng 15 bala at isang mahabang samurai.

Kasong paglabag sa Republic Act of 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition ang kasong isasampa laban sa dalawang suspek.

Anselmo Banan JrNewswriterBombo Radyo Tuguegaraoandrewbanan0214@gmail.comInstragam | Facebook | Youtube