Sumailalim sa drug test si Reina Mercedes, Isabela Vice Mayor Harold Respicio sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City ngayong Miyerkules.

Ito ay matapos manawagan si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na magpa-drug test ang bise alkalde kasunod ng mainitang insidente sa sesyon ng Sangguniang Bayan.

Batay sa dokumentong inilabas ni Respicio, nagbayad siya ng ₱28,011 cash para sa drug-abuse screening.

Nauna nang hinamon ni Respicio si Remulla na sabay silang magpa-drug test. Matapos ang pagsusuri, pabirong sinabi ng bise alkalde kay Remulla na i-refund nito ang kanyang ginastos dahil mahal umano ang drug test.

Wala pang inilalabas na resulta ng isinagawang pagsusuri.

-- ADVERTISEMENT --