Tinutugis na ng mga awtoridad ang mga responsable sa padukot sa isang American national sa Sitio Tungawan, Barangay Poblacion, Sibuco, Zamboanga del Norte kagabi.

Batay sa paunang ulat mula sa pulisya, dumulog sa lokal na himpilan ng pulisya ang isang Abdul Mali Hamsiran Jala na dinukot umano ng apat na armadong kalalakihan na nakasuot ng itim na pantalon at shirts, may dalang M16 rifles at nagpakilala na mga pulis, si Elliot Onil Eastman.

Sinasabing si Eastman ay mula sa Vermont, USA, at nakapangasawa ng isang Filipinas sa bayan ng Sibuco.

Sinabi ni Jala na nagpumiglas umano si Eastman at nagawa na makatakbo mula sa mga pinaghihinalaan, subalit, binaril siya sa kanyang paa.

Agad umano na isinakay sa isang puting bangka si Eastman.

-- ADVERTISEMENT --