Mababa ang tiyansa ng panibagong binabantayang low pressure area (LPA) sa may West Philippine Sea na maging ganap na bagyo.

Ngunit ito at ang Intertropical Convergence Zone kung nasaan ito nakapaloob ay patuloy na magpapaulan sa malaking bahagi ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas. Huling namataan ang LPA sa layong 165 km West Northwest ng Coron, Palawan.

Samantala, isang bagyo na nasa labas ng Philippine Area of Responsibity.

Isa itong tropical depression na huling namataan sa layong 2,540 kilometer east ng extreme northern Luzon.

Ang lakas ng hangin malapit sa gitna nito ay umaabot sa 55 km/h at pagbugsong aabot sa 70 km/h.

-- ADVERTISEMENT --

Gayonman, malabo itong pumasok sa PAR dahil ang inaasahang pagkilos nito ay pa-Hilaga.