TUGUEGARAO CITY-Walang nailigtas na anumang gamit ang isang pamilya sa bayan ng Baggao matapos matupok ng apoy ang kanilang tirahan, kahapon, Setyembre 6,2020.
Ayon kay SFO2 Maricar Sibbaluca, nagsimula ang sunog sa kalan dahil sa naiwang uling na may apoy at hindi napatay ng maayos.
Aniya , walang naiwang tao sa tahanan na pagmamay-ari ni Romeo Reyes ng Barangay Santa Margarita dahil kasalukuyan silang nagpapagawa ng bahay sa ibang lugar kung kaya’t hindi kaagad naapula ang sunog.
Mabilis namang kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang bahay kung saan maging ang kanilang motorsiklo ay tinupok din ng apoy.
Umabot naman sa 44 na minuto bago tuluyang naapula ang sunog.
Sinabi ni Sibbaluca na mahigit kumulang P80,000 ang halaga ng nasunog na bahay.