Aabot sa P160,000 ang halaga ng nasunog na bahay at mga kagamitan sa bayan ng Tuao, Cagayan.
Kinilala ni FO3 Maricel Ventura fire safety enforcement detection staff ng Bureau of Fire Protection (BFP) Tuao ang may-ari ng bahay na si Ernesto Gannaban, 63 years old at residente sa Barangay Lallayug.
Lumalabas sa imbestigasyon na naglilinis ang may-ari sa kanilang bakuran anim na metro ang layo mula sa kanilang bahay nang mapansin nitong nasusunog na ang kanilang bahay.
Agad na tumakbo ang may-ari papunta sa kanilang main switch at pinatay at sinubukang isalba ang kanilang mga gamit ngunit mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang bahay.
Kasama aniya sa mga nasunog ang kanilang cellphone, damit, foam, furnitures at savings ng kanilang anak na P15,000.
Ayon kay Ventura, may kalumaan sa electrical wiring ang posibleng dahilan ng sunog dahil may kalumaan na rin umano ang bahay.
Sa ngayon, nasa maayos na kalagayan ang pamilya nguni’t nananawagan sila ng tulong matapos na walang naisalbang kagamitan.