Lumikha ng malakas na pagsabog ang pagbagsak ng isang twin-engine medevac jet sa northeast Philadelphia kagabi.
Bumagsak ang Learjet 55 6:30 p.m., oras sa US matapos na umalis mula sa Northeast Philadelphia Airport, ayon sa
Federal Aviation Administration.
Ayon sa FAA, ang private business jet, na may sakay na anim na katao, ay patungo sana sa Springfield-Branson National Airport sa Missouri.
Batay sa radio audio mula sa air traffic control, inilarawan nito ang bumagsak na Learjet na “medevac” flight.
Nasa 1,650 feet sa himpapawid ang jet matapos ang takeoff bago ito bumagsak, batay sa data mula sa ADS-B Exchange.
Nakita ang final speed ng pagbagsak ng jet ay 11,000 feet per minute.
Sinubukan ng air traffic controller na kontakin ang eroplano, at matapos ang ilang minuto, narinig na sinabi ng controller na “We have a lost aircraft.”
Ayon sa Jet Rescue, ang air ambulance company na nag-oparate sa flight, sakay ng eroplano ang batang pasyente, ang kanilang escort at apat na crew members.
Sinabi ng kumpanya na wala silang kumpirmasyon kung may survivors.
Kaugnay nito, sinabi ni Philadelphia Mayor Cherelle Parker, maraming bahay at mga sasakyan ang naapektohan sa pagbagsak ng nasabing eroplano.
Subalit, sinabi niya na wala pa silang natatanggap na report sa bilang ng fatalities.
Ayon naman kay Pennsylvania Gov. Josh Shapiro, inialok na niya kay Mayor Parker ang lahat ng resources para sa emergency responds.
Samantala, pansamantalang na isinara ang Northeast Philadelphia Airport kasunod ng insidente, subalit muli na itong binuksan.
Sa tapat ng crash site, inilikas ang mga tao sa Roosevelt Mall.