Tuguegarao City- Nasaktan ang isang miyembro ng BFP Tuguegarao matapos ang pagresponde ng grupo sa sumuklab na sunog sa Lakandula St. Brgy. San Gabriel, Tuguegarao City.

Pasado alas 7 kagabi nang respondehan ng mga otoridad ang nasusunog na old residential house na gawa sa kahoy at ng umikot si FO1 Herson Ramos sa likod ng bahay ay nabagsakan ng bintana.

Umabot sa apat na mga fire trucks ang nagtululong-tulong upang maapula ang apoy.

Sa panayam kay Brgy. Chairman Marcelo Narag, wala umanong nakatira sa nasabing bahay na pagmamay-ari ni Moises Collado at tanging ang mga caretaker ang pumupunta lamang sa lugar upang maglinis.

Ayon sa kanya, nakakita rin sila ng nasusunog na basura sa lugar na maaaring isa sa sanhi ng pinagmulan ng sunog.

-- ADVERTISEMENT --
tinig ni Narag

Gayonman patuloy pa rin ang imbestigasyon ng BFP Tugeugarao sa nasabing insidente upang matukoy ang kabuuang pinsalang iniwan ng sunog.