Patay ang isang person deprived of liberty (PDL) kasunod nang insidente ng pananaksak sa maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP), ayon sa Bureau of Corrections (BuCor).

Ayon sa report ni NBP Acting Superintendent Corrections Chief Inspector Roger Boncales, sinabi ng Bucor, nangyari ang insidente kaninang 7:00 a.m. sa Gate 1-A, Quadrant 4 ng compound.

Dalawa din ang naitalang nasugatan sa nasabing insidente.

Sinabi ng BuCor na hindi nila ilalabas ang pangalan ng mga PDL na nasangkot sa insidente hanggang hindi pa naaabisuhan ang kanilang mga pamilya.

Idinagdag pa ng ahensiya na nagsasagawa na sila ng imbestigasyon sa insidente.

-- ADVERTISEMENT --