Patay ang isang tao matapos na tumaob ang isang Chinese vessel sa Rizal sa Occidental Mindoro kahapon ng hapon.

Batay sa police report, ang namatay ay isang Chinese citizen na idineklarang dead on arrival sa pagamutan.

Ayon sa mga awtoridad, ang nasabing barko ay naghahanda na maglayag na may lulang mga buhangin ng 4:30 p.m. nang bigla ito tumagilid at tumaob.

Ang nasabing barko ay may 23 Pinoy at Chinese seafarers.

Sa ngayon ay nailigtas ang anim na Pinoy at pitong Chinese, habang kasalukuyan ang ginagawang rescue operation sa iba pa.

-- ADVERTISEMENT --

Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang sanhi ng pagtaob ng nasabing barko.