TUGUEGARAO CITY- Patay ang isang driver ng construction company matapos na makuryente sa Pamplona,Cagayan

Sinabi ni Police Staff Sgt. Jose Cruz Gaspar ng PNP Pamplona, sa kanilang imbestigasyon ay gumagawa ng extension outlet sa isang batching plant si Jason Ortega,38 ng Solana, Cagayan nang mahawakan niya ang live wire kaya siya nakuryente.

Sinipa umano siya ng kanyang kasama na si Jack Sumawang upang makawala mula sa pagkakakuryente.

Agad na dinala sa pagamutan ang biktima subalit makalipas ang ilang oras ay binawian din siya ng buhay.

Sinabi ni Gaspar na wala silang nakikitang foul play sa pagkamatay nig biktima dahil may nakakita sa pangyayari.

-- ADVERTISEMENT --