TUGUEGARAO CITY – Wala pang desisyon ang pamilya ng isang electrical engineering student sa isang unibersidad sa Tugugerao City na namatay matapos makuryente kung magsasampa sila ng kaso.

Kaugnay nito, sinabi ni Police Captain Junjun Balisi, hepe ng PNP Solana, Cagayan, sa kanilang imbestigasyon, sumama si Giovanni Dayag, 20, ng General Balao, Solana sa mga linemen at area engineer ng Cagayan 1 Electric Cooperative sa Centro West para mag-obserba sa paglagagay ng poste ng kuryente dahil siya ay nasa on the job training.

Habang inilalagay ang poste, nasagi ng gamit na boom truck kung saan nakahawak ang biktima ang isang live wire na dahilan ng kanyang pagkakakuryente at pagkamatay.

ang tinig ni Pol.Capt. Balisi