Nasawi ang isang grade 4 pupil matapos mabangga ng isang sasakyan sa Brgy.Labben Allacapan, Cagayan.

Ayon kay PMAJ Krismar Angelo Casilana, COP ng PNP Allacapan, kinilala ang biktima na si Alyas Jasmine, 10 years old, babae, at residente ng nasabing lugar habang ang suspect naman ay si Arsenio Maserac, welder, 50 years old at residente ng Brgy.Giddam, Abulug.

Base sa imbestigadyon, naglalakad sa tabi ng kalsada ang biktima kasama ang kanyang mga kaklase na pauwi na sana sa kanilang tahanan galing sa kanilang drum and lyre practice habang ang isang MB1000 Van na minamaneho ng suspect ay galing naman sa Dugo, Camalaniugan.

Aniya, nang biglang tumawid ang bata sa kalsada ay nabangga siya ng nasabing sasakyan kung saan nagtamo siya ng sugat na ulo na agad na dinala sa pagamutan subalit binawian din ng buhay.