
Naisakatuparan ni Filipina tennis sensation Alex Eala ang isa sa kaniyang mga target ngayong taon matapos makapasok sa Top 20 ng Women’s Tennis Association (WTA) rankings bago matapos ang 2026.
Matatandaang lumahok si Eala noong nakaraang buwan sa isang promotional video para sa Pan Pacific Open sa Tokyo, Japan, kung saan pinasulat siya ng isang bagay na nais niyang makamit bago matapos ang taon.
Isinulat ni Eala ang mga salitang “year end” habang tinatakpan ang ikalawang bahagi ng papel na kaniyang sinulatan.
Ayon sa tennis star, hindi muna niya ipapakita ang buong mensahe hangga’t hindi ito nagkakatotoo.
Ang naturang mensahe ay nagpapakita ng kaniyang ambisyon na makapasok sa WTA Top 20, na ngayo’y naging bahagi na ng kaniyang mga nakamit sa international tennis.










