Naghain ang isang civil soceity group ng ethics complaint laban kay Senator Ronald Bato dela rRosa kaugnay sa kanyang patuloy na pagliban sa Senado.

Sa reklamo ng grupong “Wag Kang KuCorrupt” na inihain sa Senate committee on ethics and privileges, nakasaad na ang patuloy na hindi pagpasok ni Dela Rosa sa Senado at hindi ginagampanan ang kanyang trabaho ay hindi lamang malinaw na deriliction of duty kundi grave abuse sa prebelihiyo na ipinagkatiwala sa kanyang mga mamamayan.

Sinabi pa ng grupo na bilang isang halal na opisyal na tumatanggap ng sahod mula sa pera ng bayan, obligasyon na dumalo sa mga sesyon, makibahagi sa deliberasyo, at ipatupad ang kanyang oversight responsibilities.

Idinagdag pa ng grupo, bilang chairman ng Senate commitees, ang kanyang patuloy na pagliban ay nagbubunsod ng pagkakaantala ng mga itinakdang pagdinig at marami pang ibang tungkulin.

Hiniling ng grupo sa Senate commitee na magsagawa ng imbestigasyon sa nasabing usapin, upang matukoy kung mayroon o walang paglabag sa Senate rules at ethical standards, at magpataw ng karapat-dapat na sanctions kung kinakailangan.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan na hindi na nagpakita sa publiko at hindi na rin dumalo sa sesyon ng Senado buhat noong November 11, 2025.