Huli ang isang babae na itinuturing na high value target (HVT) sa ikinasang drug buybust operation sa Barangay San Juan, Tabuk City, Kalinga.

Ang nahuli ay isang 31 anyos at residente ng Wagud, Pinukpuk ngunit kasalukuyang nakatira sa Brgy. San Juan, Tabuk City.

Nahuli ang suspect sa pinagsanib puwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit at Provincial Intelligence Unit ng Kalinga Police Provincial Office, Tabuk City Police Station at iba pang hanay ng pulisya.

Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang piraso ng transparent plastic sachet na hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang 17.05 gramo at tinatayang nagkakahalaga na P213,940.00, isang piraso ng 1,000; 27 piraso ng pekeng 1,000 peso bill na ginamit sa buybust money, isang digital weighing scale, isang android phone at isang bundle ng emply plastic sachet.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-- ADVERTISEMENT --