TUGUEGARAO CITY-Tinutugis na ng mga otoridad ang suspek sa pananaksak-patay sa isang kawani ng pamahalaang lokal ng Sanchez Mira,Cagayan.
Sinabi ni Police Capt.Reymund Baggayan,hepe ng Sanchez Mira PNP na may suspek na sila sa pagpatay kay Max Meynard Guillermo,36,tubong Ballesteros subalit tumangging banggitin ang kanyang pangalan upang hindi madiskaril ang kanilang operasyon.
Ayon pa kay Baggayan,nakita ang bangkay ng biktima malapit sa kanyang binabantayan na sanitary landfill na may apat na saksak sa kanyang leeg at tatlo sa iba pang bahagi ng kanyang katawan.
Sinabi pa ni Baggayan na una nang sinabi ni Guillermo sa kanya pamilya na may banta sa kanyang buhay ng tinutugis na nila ngayong suspek.