Huli ang isang street level individual matapos masabat ang hinihinalang shabu sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Penablanca, Cagayan.

Kinilala ni PLT RoseMarie Moreno, deputy chief of police ng PNP PeƱablanca ang suspect na si Alyas Junie, 29 anyos, magsasaka at residente ng Brgy. Bulagao, Tuao, Cagayan.

Una rito ay nagsagawa ng anti-illegal drug buy-bust operation ang pulisya sa Maharlika highway Brgy. Alimannao kung saan nahuli mismo si Junie.

Nakuha mula sa kanya ang 25 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P170,000 at iba pang ebidensya tulad ng buy-bust money.

Samantala, patuloy na tinutugis ng mga pulis ang kasama ni Junie na nakatakas sa nasabing operasyon.

-- ADVERTISEMENT --