Naging kuntento si Agri Partylist Rep. Wilbert Lee sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Ayon sa mambabatas, nagustuhan nito ang pahayag ng Pangulo sa plano nito sa libu-libong mga Pinoy POGO workers na mawawalan ng trabaho sa pag-ban sa Philippine Offshore Gaming Operators sa bansa.
Suportado rin ng mambabatas ang pagbibigay priyoridad nito sa agrikultura kung saan plano din na gawing institutionalize ang kadiwa center upang hindi na ito nakadipende pa sa kung kaninong administrasyon.
Naniniwala ito na maisasakatuparan sa administrasyon ni Marcos ang planong solar power sa mga irigation facilities sa mga darating na proyekto ng pamahalaan at mapapalakas pa nito ang usaping irigasyon at patuloy rin na makikipag ugnayan ang mga ito lalo na sa pagkukumpuni ng mga nasiramg irigasyon dahil makakatulong ito sa pagpapataas ng porduction dahilan upang bumaba rin ang production cost.
Bukod dito ay marami ring kongresista ang sumang ayon sa deklarasyon ni Pangulong Marcos ukol sa pinag aagawang teritoryo na West Philippine Sea kung saan binigyang diin nito na ang WPS ay hindi kathang isip at ito ay atin.
Ilan pa sa mga ikinatutuwa ni Lee sa SONA ng pangulo ay ang Executive No.62 na nakapaloob ang panandaliang measures para bumaba ang presyo ng bigas ngunit kinakailangan paring imonitor ng maigi nang hindi lamang iilang grupo ang nakikinabang.
Bagama’t hindi nabanggit ng Pangulo sa kanyang SONA ang post harvest facility ay nabanggit naman nito ang 900,000 equipment na pinamahagi ng pamahalaan sa mga kooperatiba.
Ganundin sa mas komprehensibong plano ng pamahalaan patungkol sa fishing industry dahil isa ito sa makakapagbigay at magreresolba sa ating food security na hindi nabanggit ng Pangulo ngunit sa kabila din nito ay naipinagmalaki naman ang ibat-ibang proyekto para makamit ang food,water security ng bansa.