TUGUEGARAO CITY-Boluntaryong sumuko sa pamahalaan ang isang miembro ng Militia ng Bayan sa Sto niño, Cagayan.

Ayon kay Pcapt Chierry Bartolome, Chief of Police ng PNP-Sto niño, naisipan ng naturang militia ng bayan na isang lalaki, 49-anyos mula sa Barangay Balanni na sumuko nang kanyang malaman ang sunod-sunod na pagsuko ng kanyang mga kasamahan sa lugar nitong nakaraang araw.

Aniya, Oktubre 2016 noong unang nakitira ang nasa 12 miembro ng makakaliwang grupo sa kanyang tahanan at mula noon ay isa na siya sa nagbibigay ng pagkain sa grupo.

Sinubukan din umano siyang hikayatin ng mga miembro ng New peoples Army (NPA) na umanib sa kanilang grupo ngunit naisip niya ang hirap ng buhay sa bundok.

Sa kabila nito, naging tuloy-tuloy ang pagtulong ng naturang miembro ng militia ng bayan sa mga NPA kung saan kanya umanong pinapatulog at pinapakain ang mga ito sa kanilang bahay sa tuwing pumupunta sila sa kanilang barangay.

-- ADVERTISEMENT --

Inamin din ng sumukong militia ng bayan na nagsasagawa ng pagre- recruit at nagtutungo sa mga kabahayan ang mga makakaliwang grupo tuwing bumababa mula sa bundok.

Tinig ni Pcapt Chierry Bartolome

Samantala, sinabi ni Bartolome na kasalukuyan na nilang inaayos ang mga dokumento ng sumukong militia ng bayan para mapabilang sa mga makakatanggap ng tulong mula sa Enhanced – Comprehensive Localized Integration Program (E-CLIP) program ng pamahalaan.