Anim na katao ang namatay at isang mangingisda ang nawawala sa pananalasa ng bagyong Ramil sa ilang bahagi ng Visayas at Luzon.
Nakaranas ng malalakas na ulan sa maraming bahagi ng Western Visayas, Eastern Visayas, central at southern Luzon, at Bicol, kung saa 22,000 ang lumikas, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Ang unang namatay at si Mae Urdelas, 23-anyos, content creator, nang madulas siya at tinangay ng malakas na agos ng tubig habang tumatawid siya sa isang sapa sa Barangay Malocloc Sur, Ivisan, Capiz.
Sa bayan ng Pitogo, Quezon, limang miyembro ng pamilya, kabilang ang limang buwang gulang na sanggol na lalaki ang namatay nang bumagsak ang isang palmera sa kanilang tahanan.
Iniutlat naman na missing ang isang mangingisda sa Barangay Nena, San Juan, Eastern Samar nang mabigo siyang makauwi sa kanilang bahay nang pumalaot siya para mangisda.
Dalawang menor de edad na mula sa Masbate ang nailigtas kahapon sa Barangay Dalupinit, San Antonio, Northern Samar, matapos na tangagin ng alon at malakas na hangin ang kanilang bangkang pangisda.
Pumalot ang dalawa na edad 11 at 14, kapwa lalaki noong Sabado sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo.