Tuguegarao City- Muling nakapagtala ng isang bagong kaso ng nasawi dahil sa COVID 19 ang Cagayan Valley Medical Center (CVMC).
Ito ay katauhan ng isang 35 anyos na lalaki mula sa bayan ng Tuao.
Sinabi ni Dr. Glenn Mathew Baggao, Medical Center Chief, na galing ito ng Batangas ngunit humiling sa kanyang asawa na iuwi nalang sa Tuao.
May sakit din aniya ito sa atay at may iniindang ulcer.
Ayon kay Dr. Baggao nakaranas siya ng hirap sa paghinga na isang sintomas ng kanyang mga karamdaman at ng sinuri ay nagpositibo ito sa virus base na rin sa resulta ng kanyang swab test.
Sa kabuuan ay sumampa na sa apat ang bilang ng nasawi sa buong lalawigan ng Cagayan.
Nasa 21 naman ngayon na mga COVID-19 confirmed patients ang nasa pangangalaga ng nasabing pagamutan.
Sa pinaka huling datos, ito ay kinabibilangan ng 16 na mula sa Cagayan, lima sa Isabela,
Kaugnay nito ay 14 na suspected cases din ang minomonitor ang condisyon kung saan ito ay kinabibilangan ng anim na mula dito sa Cagayan, anim sa Isabela at tig-isa ang mula sa Paracelis, Mt Province at Sta Marcela, Apayao.