
Nagtamo ng minor injuries ang isang overseas Filipino worker (OFW) sa pagsabog sa paliparan sa Kuwait sa gitna ng labanan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Sinabi ni DMW Secretary Hans Leo J. Cacdac, na nagtamo ng mga sugat sa kanyang leeg ang nasabing OFW na nagtatrabaho sa paliparan sa Kuwait.
Ayon kay Cacdac, nasa maayos nang kalagayan ang OFW matapos siyang makalabas ng ospital.
Una rito, kinupirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagkamatay ng isang Pinay caregiver sa pag-atake ng Iran sa Israel.
Kaugnay nito, sinabi ni Cacdac na nasa 100 Filipinos sa Dubai at Israel ang nagpahayag ng kanilang pagnanais na bumalik sa Pilipinas.
Sinabi ni Cacdac na habang wala pang mandatory repatriation, patuloy ang DMW sa pagtanggap ng mga kahilingan para sa reptariation habang nagmomonitor sa mga kaganapan sa Middle East.
Ayon kay Cacdac, hindi pa napapanahon ang mass repatriation dahil sa ilang pagsasara ang airspace at walang flights.
Nagbibigay din ang DMW ng tulong sa mga Pilipino na naapektohan ang flight cancellations sa Pilipinas at sa iba pang transit hubs tulad sa Hong Kong at iba pang lugar.
Ayon sa kanya, top concern ng pamahalaan ang mga kababayan na nasa bansa na nakatakdang bumalik sa kanilang trabaho sa Middle East.










