Isang pulis at isa pa ang nasugatan sa rescue operation sa dalawang dinukot na dalawang babaeng Chinese sa Pampanga nitong araw ng Sabado.
Plinano ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) ang operasyon noong Sabado matapos na ipaalam sa kanila ng police attaché Zheng Zhue ng China ang pagdukot sa dalawang hindi kilalang dalawang biktima sa Makati City noong August 3.
Ayon sa Philippine National Police, dinala ng kidnappers ang dalawang babae sa Angeles City, Pampanga at humihingi umano ng ransom na 500, 000 yen o P8 million.
Hapon ng nasabing araw, sinalakay ng PNP-AKG ang safehouse, kung saan nagkaroon ng palitan ng putok sa mga suspek na sina Hu Kai at Ryu Don.
Nasugatan sa sina Police Staff Sgt. Nelson Santiago at Chief Master Sgt. Eden Accad sa nasabing engkuwentro at dinala sila sa Angeles University Foundation Medical Center.
Subalit, idineklarang dead on arrival si Santiago.
Nailigtas naman ang dalawang biktima habang nahuli naman ang kidnappers.
Nasa kustodiya na ng AKG headquarters ang dalawang biktima at mga suspek sa Camp Crame.